Wednesday, June 3, 2009

siGe! uLan...

Sige! Bumuhos ka ulan!
Hugasan ang mundong makasalanan
Iiyak ang puso mong sugatan
Hanggang maubos, ng ika'y tumahan.

Sige! Bumuhos ka ulan!
Pati hangin mo'y 'yong iparamdam
Lamig nito'y sa amin manahan
Hipuin manhid naming katawan.

Sige! Bumuhos ka ulan!
Lakas mo'y tiyak iyong ilalaan
Luha mo'y tila hindi mapaparam
May hatid na lungkot at kasawian.

Sige! Bumuhos ka ulan!
Ibuhos mo nang may kalayaan
Lunurin ang buong kapaligiran
Itangay sa agos dungis nami't kasalanan.


Sige! Bumuhos ka ulan!
Sa pagtila mo sana may kahinatnan
May pansin nawa sa iyo'y naglaan
Upang ang iyong ginawa'y 'di masayang.

No comments:

Post a Comment