Showing posts with label bUmabAgaBaG.... Show all posts
Showing posts with label bUmabAgaBaG.... Show all posts

Thursday, August 25, 2011

Isang Pagsubok sa Pananampalataya, Pag-asa at Pag-ibig



Halos sunud-sunod ang mga pangyayaring marahil nasusubok o sa iba’y nakakapanakit na may kinalaman sa ating pananampalataya. Ang ating Simbahan, sa ngayon, ay maraming pinagdadaanang kontrobersiya, pagpupukol, iskandalo at iba pa sanhi ng ilang personalidad, kabahagi man ng Simbahan o hindi. Nariyan ang pagbatikos sa pagtanggap sa maanomalyang pondo ng PCSO, pagbansag ng ‘pajero bishops’, RH Bill, Divorce Bill, pagsisimula ng same-sex marriage at ang huli ay ang mapanirang-puri na Exhibit gamit ang mga larawan at imahe ni Kristo.

Narinig natin ang paliwanag at argumento ng mga taong pabor at nagsusulong sa mga nabanggit na ito. Ipinakita nila ang kahalagahan ng mga ito, ng kanilang karapatan at kalayaan sa paghahayag ng sarili at pagmamay-ari ng kanilang sariling katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang Simbahan ay nananatiling matatag sa kanilang pinaninindigan. Batid nila ang mga maaaring maidulot nito sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa kanilang pagpapastol.

Aaminin ko na kahit ako ay naapektuhan sa mga nangyayari. Hindi ko man lubos na nauunawaan ang lahat-lahat ay marami pa ring pagkakataon na nakakaramdam ako ng kalungkutan hinggil dito. Ang totoo’y hindi ko alam kung mayroon din ba akong dapat gawin o mag-antay nalang sa mga susunod na mga mangyayari. Aaminin ko…takot din ako sa pagbatikos ng iba. Takot akong hindi makasabay sa mga argumentong kanilang ilalatag. Subalit mas natatakot ako na dumating ang araw na makita ko ang sarili ko na walang ginawa kahit sa pamamagitan lang ng ganito.

Pakiramdam ko’y itoy pagsubok sa ating pananampalataya; sa ating pag-asa at sa ating pag-ibig lalo na sa mga kapwa ko Katoliko.

Pagsubok sa ating pananampalataya, sa ating pinaniniwalaan at sinasampalatayanan. Tuwing Linggo sa Misa ay lagi tayong inaanyayahan ng pari na ipahayag ang ating pananampalataya. Sabay-sabay natin itong binibigkas sa pamamagitan ng ating mga labi. Ganun din ba kaya ng ating puso? Sa mga bawat pagpukol sa ating Simbahan at kaparian, nangangamba akong may mawala sa ating kawan, pinili man niya o hindi. Nitong huli, nakita natin ang ginawang exhibit na ginamit ang mga larawan at imahe ng Panginoon nating si Hesukristo. Nabatid natin kung gaano nagdugo ang puso ng bawat isa sa atin lalo na ng Inang Simbahan. Ngunit sa kabila nito, wala lang iyon para sa iba. Pagbabatikos pa ang ating narinig at panghuhusga lalo na sa mga kapatid nating hindi naniniwala sa mga imahe at larawan. Hindi ko man alam kung anong magandang argumento ang ibato sa kanila patungkol dito ay pananampalataya pa rin ang nararamdaman kong nagsusumigaw. Imahe at larawan ang kanilang nakikita samanatalang kami’y pag-asa at pag-ibig.

Pagsubok sa ating pag-asa. Pag-asang nagmumula sa ating pananampalataya (ayon kay St. Bonaventure). Ako’y umaasa pa din na malalagpasan ng ating Simbahan ang mga ito. Marahil pa nga’y mapagtagumpayan ang mga kinakaharap na ito. Mapaglabanan nawa natin na hindi mapatay ng mga pagpupukol na ito ang bawat pag-asang lumiliyab sa ating puso. Makapangyarihan ang Panginoon natin. Mapagmahal ang Diyos natin. At higit sa lahat ay Siya ay lubos na Maawain.

Sa lahat ng ito ang pinakamalaking pagsubok ay ang pagsubok sa ating pag-ibig. Mahalin mo ang iyong kaaway at ipanalangin mo ang mga umuusig sa iyo…Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kaya pa ba nating magmahal sa kabila ng lahat ng ito? May karapatan din tayong ihayag ang ating saloobin lalo na ang pagkagalit. Gagawin ba natin ito? Bagkus ang Simbahan ay inaanyayahan tayong magbayad-puri hindi para ipahiya sila bagkus iparamdam ang ating pag-ibig sa kabila ng kanilang nagawa. Pagsumikapan nating maghari ang pag-ibig sa kabila ng mga nangyayari sa ating Simbahan.

O Hesus, bukal ng awa at kapatawaran, lumalapit kami sa iyong kabanal-banalang puso. Tingnan mo ang aming pananampalataya at hindi ang aming pagkakamali at pagmamataas. Tulutan mong maghari ang pag-ibig sa aming mga puso. Ikaw ang aming kaligtasan. Ikaw ang aming Pag-asa. Turuan mo kaming magpakumbaba at isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa sa amin. Batid mo ang aming hangarin at tiisin. Iniaalay namin lahat ito sapagkat nasa sa iyo ang aming kapanatagan, ang aming kaganapan.

O Hesus, Hari ng Awa
-Kami ay nananalig sa Iyo

O Kalinis-linisang Puso ni Maria
-Ipanalangin mo kami

Tuesday, June 9, 2009

pUriFy mY sEnsEs...

J.M.J.
Jun. 04, 2009

Oh! Purify my hearing that I may hear only your voice and be able to do your will. Let my ears always be attentive to your voice, to whatever you will say. Let my ears know your voice and never be gone astray. Let me hear the voice of my brethren calling for help. Guard me not to hear the voice of the evil persuading me and hindering me to hear and listen to you. Let my ears hear even your whisper and feel safe because you are near me.

Oh! My God! Purify my sight that I may see only your presence. Open my eyes to all the blessings and gifts you have given me. Let my eyes see your beauty and goodness. Fix my eyes to gaze only at you. Let me see the greatness of your creation. Purify my eyes and look only on things that will not harm my soul. Help me to see your presence to my brethren around me. Help me to look with them with kindness.

Oh! God! You know what is deep inside my heart. Purify my senses that I may free my soul in this body I have. Free my senses in every worldly desire. Let me smell the goodness around me. Let me taste the blessings you have showered upon me. Let me feel your love and care you have showed me.

How happy my soul will be, my God, after this purification. My soul desires You to control me. Work over me. Let me see what Your eyes would see. Let me hear what Your ears would hear. Let me feel what You would want us to feel. Let my soul thirst for your presence and taste only your goodness. O purify me, my God! Only You could suffice me.

aKo'y mAnaNatiLi...

J.M.J.
Feb. 17, 2009


“huwag mong naising lisanin kita, wala ‘kong hangaring ika’y mag-isa.”

matagal tagal na ring tayong magkalayo. nakakatakot sa mudong ginagalawan ko. nakakatakot na dumating ang araw ay hindi na ikaw ang laman ng puso’t isipan ko. nakakatakot na ako’y matukso at mawalay sa iyo. sa kalayaan na aking tinatamasa sa pagkakalayo sa’yo, gusto kong maramadaman mo na ako’y mananatiling tapat sa iyo. sisikapin kong iwaksi ang mga bagay na makapagpapalayo ng damdamin ko sa iyo.

inaamin kong ako’y minsa’y nakakalimot sa aking mga pangako. sana’y ako’y iyong mapatawad. alam kong ang puso mo’y lubhang nagdaramdam sa bawat kabiguan at panlilinlang na aking naidudulot. sana ako’y muli mong pagbigyan at ipapangako kong ako’y magiging tapat at sa iyo lamang. iniibig kita…ikaw lamang buhay ko… napakasarap gunitain ang alaalang tayo’y magkasama pa…hintayin mo ako…

kuLL oFf

J.M.J.
Feb. 16, 2009


whaaa!!! sobrang miss ko na siya…bakit kasi kailangan pa naming maghiwalay para malaman ko sa sarili ko na mahalaga siya sa akin…na siya ang buhay ko…ang mahal ko…ang hirap ng ganito…
araw-araw lagi ko siyang naiisip at inaasam na makasamang muli…ang tagal pa ng aking aantayin upang muli kaming magkasama…upang muli ko siyang makapiling…
cool off…? o regency? hehe…pareho lang sila…gusto ko nang kami’y magkabalikan at sisiguraduhin ko na sa muli namin pagsasama ay hinding-hindi ko na pahihitulutan na kami ay mawalay pa… ayoko ng ulit maranasan ang sakit at hirap na mawalay sa kanya…