Saturday, September 3, 2011

wHo aM i tO reFusE...

My heart is crying to the Lord for help, for guidance and for wisdom.All I want is to do your Holy Will. Not mine but yours alone.
But how?

Give me the graces I need. It has been nine months since I left from the seminary. And yet, you never abandoned me.
This desire to be your bride never left me.
But still, I’m the one who caused myself far from you; because of my weaknesses; due to my worldliness.

Indeed, my heart will always be restless until it rest only unto you.
You are my refuge, my dwelling place.
Where can I find a place such as yours?
No one my Lord.

You know me since I was in my mother’s womb;
you knit me and mold me;
you know my name and the numbers of my hair.
What else can I hide from you?
You know what is best for me.
You engraved it into my heart.

Where should I turn? Where should I hide?
Everywhere you are there.
What is the use of hiding?

Be my bride you said.
Who am I to refuse such proposal?

Thursday, August 25, 2011

Isang Pagsubok sa Pananampalataya, Pag-asa at Pag-ibig



Halos sunud-sunod ang mga pangyayaring marahil nasusubok o sa iba’y nakakapanakit na may kinalaman sa ating pananampalataya. Ang ating Simbahan, sa ngayon, ay maraming pinagdadaanang kontrobersiya, pagpupukol, iskandalo at iba pa sanhi ng ilang personalidad, kabahagi man ng Simbahan o hindi. Nariyan ang pagbatikos sa pagtanggap sa maanomalyang pondo ng PCSO, pagbansag ng ‘pajero bishops’, RH Bill, Divorce Bill, pagsisimula ng same-sex marriage at ang huli ay ang mapanirang-puri na Exhibit gamit ang mga larawan at imahe ni Kristo.

Narinig natin ang paliwanag at argumento ng mga taong pabor at nagsusulong sa mga nabanggit na ito. Ipinakita nila ang kahalagahan ng mga ito, ng kanilang karapatan at kalayaan sa paghahayag ng sarili at pagmamay-ari ng kanilang sariling katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang Simbahan ay nananatiling matatag sa kanilang pinaninindigan. Batid nila ang mga maaaring maidulot nito sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa kanilang pagpapastol.

Aaminin ko na kahit ako ay naapektuhan sa mga nangyayari. Hindi ko man lubos na nauunawaan ang lahat-lahat ay marami pa ring pagkakataon na nakakaramdam ako ng kalungkutan hinggil dito. Ang totoo’y hindi ko alam kung mayroon din ba akong dapat gawin o mag-antay nalang sa mga susunod na mga mangyayari. Aaminin ko…takot din ako sa pagbatikos ng iba. Takot akong hindi makasabay sa mga argumentong kanilang ilalatag. Subalit mas natatakot ako na dumating ang araw na makita ko ang sarili ko na walang ginawa kahit sa pamamagitan lang ng ganito.

Pakiramdam ko’y itoy pagsubok sa ating pananampalataya; sa ating pag-asa at sa ating pag-ibig lalo na sa mga kapwa ko Katoliko.

Pagsubok sa ating pananampalataya, sa ating pinaniniwalaan at sinasampalatayanan. Tuwing Linggo sa Misa ay lagi tayong inaanyayahan ng pari na ipahayag ang ating pananampalataya. Sabay-sabay natin itong binibigkas sa pamamagitan ng ating mga labi. Ganun din ba kaya ng ating puso? Sa mga bawat pagpukol sa ating Simbahan at kaparian, nangangamba akong may mawala sa ating kawan, pinili man niya o hindi. Nitong huli, nakita natin ang ginawang exhibit na ginamit ang mga larawan at imahe ng Panginoon nating si Hesukristo. Nabatid natin kung gaano nagdugo ang puso ng bawat isa sa atin lalo na ng Inang Simbahan. Ngunit sa kabila nito, wala lang iyon para sa iba. Pagbabatikos pa ang ating narinig at panghuhusga lalo na sa mga kapatid nating hindi naniniwala sa mga imahe at larawan. Hindi ko man alam kung anong magandang argumento ang ibato sa kanila patungkol dito ay pananampalataya pa rin ang nararamdaman kong nagsusumigaw. Imahe at larawan ang kanilang nakikita samanatalang kami’y pag-asa at pag-ibig.

Pagsubok sa ating pag-asa. Pag-asang nagmumula sa ating pananampalataya (ayon kay St. Bonaventure). Ako’y umaasa pa din na malalagpasan ng ating Simbahan ang mga ito. Marahil pa nga’y mapagtagumpayan ang mga kinakaharap na ito. Mapaglabanan nawa natin na hindi mapatay ng mga pagpupukol na ito ang bawat pag-asang lumiliyab sa ating puso. Makapangyarihan ang Panginoon natin. Mapagmahal ang Diyos natin. At higit sa lahat ay Siya ay lubos na Maawain.

Sa lahat ng ito ang pinakamalaking pagsubok ay ang pagsubok sa ating pag-ibig. Mahalin mo ang iyong kaaway at ipanalangin mo ang mga umuusig sa iyo…Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kaya pa ba nating magmahal sa kabila ng lahat ng ito? May karapatan din tayong ihayag ang ating saloobin lalo na ang pagkagalit. Gagawin ba natin ito? Bagkus ang Simbahan ay inaanyayahan tayong magbayad-puri hindi para ipahiya sila bagkus iparamdam ang ating pag-ibig sa kabila ng kanilang nagawa. Pagsumikapan nating maghari ang pag-ibig sa kabila ng mga nangyayari sa ating Simbahan.

O Hesus, bukal ng awa at kapatawaran, lumalapit kami sa iyong kabanal-banalang puso. Tingnan mo ang aming pananampalataya at hindi ang aming pagkakamali at pagmamataas. Tulutan mong maghari ang pag-ibig sa aming mga puso. Ikaw ang aming kaligtasan. Ikaw ang aming Pag-asa. Turuan mo kaming magpakumbaba at isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa sa amin. Batid mo ang aming hangarin at tiisin. Iniaalay namin lahat ito sapagkat nasa sa iyo ang aming kapanatagan, ang aming kaganapan.

O Hesus, Hari ng Awa
-Kami ay nananalig sa Iyo

O Kalinis-linisang Puso ni Maria
-Ipanalangin mo kami

Tuesday, August 2, 2011

paNaNampaLataYa + paG-aSa + paG-iBiG

(Halaw kay St. John Marie Vianney)
Kapistahan: Aug. 4

"And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love." -1 Cor. 13:13

Marahil pamilyar na tayo sa mga katagang ito. Madalas natin marinig, makadaupang-palad, magamit at siguro ay ipanalangin. Tama! Ipanalangin. Sapagkat ang mga ito ay mula lamang at bigay lamang ng Diyos.

Faith / Pananampalataya

Ang pananampalataya ay bigay sa atin ng Diyos. Kung ating aalalahanin, nuong tayo'y bininyagan, ang hiningi at dinulog natin sa Simbahan ay pagkalooban tayo ng Pananampalataya. Pananampalataya upang mabanggit ang "Diyos ko at Panginoon ko!" Sumasampalataya tayo na may Diyos, iisang Diyos na makapangyarihan; na may gawa ng langit at lupa. "Mapalad ang mga sumasampalataya kahit hindi nila ako nakita." Ang kawalan ng pananampalataya ang humadlang sa dalawang alagad, habang papuntang Emmaus, na makilala si Kristo. Gayundin ang hindi agad pagkakilala ni Maria Magdalena nuong si Kristo'y muling nabuhay. Ipinunla sa atin ang binhi ng pananampalataya. Linangin natin ito. Hayaan natin itong makita at masilayan ang liwanag mula sa pagkakatanim sa ikabuturan ng ating mga puso.

Hope / Pag-asa

Ah! Pag-asa! Ang buhay. Araw-araw tayo'y bumabangon na pinanghahawakan ang pag-asang hatid ng Diyos. Pag-asa na kailanma'y hindi dapat nating bitiwan. Gumagawa tayo ng mabuti; nagpapakapilit at nagsusumikap maging mabuti at pinapanatili na maging mabuti sapagkat umaasa tayo sa pangakong hatid ng Panginoon sa atin: ang buhay na walang hanggan; ang makapiling siya sa kanyang kaharian na kanyang inihanda para sa atin; para sa bawat isa sa atin. Napakasarap isipin at asamin na maganap at malasap ang mga iyon. Ang kawalan ng pag-asa na mapatawad siya ng Diyos ang kumitil sa buhay ni Hudas. Ito rin ang tumabing sa mga mata ng dalawang alagad, habang papuntang Emmaus, na hindi makilala si Kristo. Dala nila sa kanilang dibdib ang pagpatay sa kanilang pag-asa, sa kanilang Mesias. "Huwag kang matakot."

Love / Pag-ibig

Pag-ibig! Ang pinakadakila. May hihigit pa kaya? Pag-ibig na mula sa Diyos, na katangi-tanging pinagmumulan nito. Pinagmumulan na hindi nagbabago; na hindi pabagu-bago. Nuon, ngayon at magpasawalang hanggan. Pag-ibig ang nagtulak sa Diyos na tayong maligtas at maangkin muli mula sa pagkakahulog sa kasalanan. Pag-ibig na ipinakita sa pagbibigay ng kanyang katangi-tanging anak para sa ating kaligtasan. Pag-ibig kung bakit tayo'y umiibig din. May mahihiling pa ba tayo? Na tayong handang mahalin ng Diyos kahit hindi natin siya mahal. Na tayong mahal niya kahit wala kang gawin para mahalin ka niya. Kung alam lang natin ito. Napakasarap magpakalunod sa pag-ibig ng Diyos. Pag-ibig. Ito ang dahilan kung bakit nakilala ng dalawang alagad, sa daan papuntang Emmaus, si Kristo sa paghahati-hati ng tinapay. Kung bakit umalab ang kanilang mga puso habang kanilang kausap si Kristo. Ito rin ang dahilan kung bakit napasambit si Maria Magdalena ng "Raboni!" pagkatapos mabanggit ni Kristo ang kanyang pangalan. Pag-ibig. "Magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo."

Pananampalataya...Pag-asa...Pag-ibig...

Ang tatlong ito ay mananatili ngunit ang pag-ibig ang pinakadakila sa lahat. Tayo'y sumasampalataya sa Diyos; na may Diyos; ngunit kapag dumating na ang kanyang muling pagbalik ito'y tuluyan ng maglalaho. Ano pang sasampalatayanan natin? Ito'y naganap na. Ito'y nasa harap na ng ating mga mata. Ang Diyos; ang Diyos na totoo. At sa pagdating ng araw na ito, na makapiling na natin ang Diyos sa kanyang kaharian at matamasa ang buhay na walang hanggan, ano pang aasamin natin? Wala na sapagkat ito'y nagkaroon na ng kaganapan. Ngunit ang pag-ibig, ito'y mananatili at lalong yayabong sa kaharian ng Panginoon. Hindi ito kailanman maglalaho. Ito ay panghahawakan at tatamasain natin magpasawalang hanggan.

Pananampalataya ay bigay ng Diyos Ama, hatid ni Kristo sa kanyang pagkakatawang-tao ay pag-asa, samantalang dahil sa pag-ibig ng Ama at ng Anak tayo'y inihabilin at sinusubaybayan ng Espiritu Santo hanggang sa dumating ang buhay na walang hanggan.


San Juan Marie Vianney, ipanalangin mo kami.

Saturday, July 16, 2011

haBanG mAy paG-aSa mAy bUhaY...

Batid nating lahat ang kasabihang "Habang may buhay may pag-asa". Ngunit sa aking pagtanto ay mukhang baligtad dapat. Sa aking palagay na "Habang may pag-asa, may buhay".

Bakit ko nasabi?

Sapagkat kung ang bawat isa sa atin, ang bawat tao kapag nawalan ng pag-asa sa buhay ay tiyak hahangaring hindi na mabuhay pa dito sa mundo. Ang masaklap pa ay kung kikitilin nya ang kanyang buhay sa kawalan ng pag-asa. Ang kawalan ng pag-asa ni Hudas na siya ay patatawarin pa ng Panginoon sa kanyang mga nagawa ang nag-udyok sa kanyang kitilin ang kanyang buhay. Gayon din malamang ang maraming pang taong nagpasyang tapusin na ang kanilang buhay.

Ang isang taong puno ng pag-asa sa buhay ay ang taong handang harapin ang lungkot at saya na hatid nito. Handang suungin ang landas ng buhay. Ito ang kanyang ginagamit para bumangon sa bawat bagong umaga.

Ang pag-asa ay bigay ng Diyos sa ating lahat. Sa kanya ito nagmula. Ang pag-asa na makapiling ang Panginoon sa kanyang kaharian balang araw ang ginagamit natin upang mamuhay ng naaayon sa kanyang kagustuhan. Ang pag-asa sa kanyang pangakong buhay na walang hanggan ang nagpapalakas sa atin na gumawa ng mabuti kaninuman. Ang pag-asang ipinakita ni Kristo sa kanyang krus at kamatayan ay nag-uudyok sa atin mamuhay na nababalot sa kanyang pag-ibig.

Habang may pag-asa may buhay. Magsilbi sana tayong instrumento ng pag-asa lalo na sa mga pinanghihinaan na ng loob. Ibahagi natin sa kanila ang pag-asang ating nararamdaman at pinanghahawakan ng sa ganun ay mapagpatuloy nila ang kanilang buhay...upang magkaroon sila ng buhay...na puno ng pag-asa.

Tuesday, June 28, 2011

aNg paNgaraP ko sa nGayon haBang akO'y naBuBuhaY


Isa lang naman ang pangarap ko habang ako'y nabubuhay pa, ang makakita at mabigyan ng pagkakataon na makadaupang palad ang ituturing nating mga tao na "living saint". Yun ang hinahanap ko sa henerasyong aking kinabibilangan. Ang totoo meron naman dalawang taong tinuring na "living saint" sa henerasyon ko. Ang problema nga lang ay wala pa akong pakialam sa kanila. Ang una ay si Bl. Mother Theresa. Naririnig ko na siya pero wala lang iyon para sa akin. Hindi ko masyado pinapansin. Taong 1997 siya namatay at nasa highschool na ako nung panahon na iyon. Pangalawa ay si Bl. John Paul II. Taong 2005 siya namatay at ako'y nagtatrabaho na nung panahong iyon. Ngunit ganun din, wala pa rin akong pakialam sa kanila ngunit sa taon ding ito naganap ang aking "metanoia". Oha! Malaki ang naiambag ni Bl. JP2 kung anuman ako ngayon.


Dalangin ko talaga na may makilala ulit at may maabutan na "living saint" sa henerasyong ito. Malamang madami yan hindi pa lang nagiging maingay sa mundo. Pero sana may makadaupang palad ako habang ako'y nabubuhay pa. Kahit isa lang.

Wednesday, January 26, 2011

bYahE nG bUhay


kanina kasama ako ni tsong nakaangkas sa kanyang motor. naningil at namili.
habang kami'y bumabyahe nabanggit n'yang ako'y kanyang tuturuan magmotor.
sa paglalakbay namin, sumagi sa aking isipan na ang buhay ay parang pagmamaneho.
tayo ang nagmamaneho ng byahe ng ating buhay.

nawari ko na sa pagmamaneho...
- marami kang makakasabay sa daan
- maraming nagmamaneho ng iba't ibang klase ng sasakyan.
- may malaki, maliit, magara, luma, mabagal, mabilis, maingay at kakaragkarag. ngunit hindi importante kung anong klase ng sasakyan/katayuan mo sa buhay ang dala mo sa byahe. ang mas mahalaga ay kung sino ang nagmamaneho, ang kanyang kalooban at dignidad.
- sa pagmamaneho ng ating buhay kailangan maging alerto. hindi pedeng malingat sapagkat marami ang pedeng mangyari.
- hindi ka rin pwede mambangga ng iba kahit okay lang sayong magasgasan sapagkat kailangan isaalang-alang din ang iyong mapipinsala.
- minsan mabagal ang byahe, matrapik, maraming lubak at liko pero minsan diretso at mabilis lang ang takbo hanggang minsan nadadala tayo sa smooth na pagtakbo ng ating buhay ng di alinatana kung may biglang tumawid na magpapabalik sa ating kamalayan ukol sa pagbyahe sa ating buhay.

ngunit sa aking paglalakbay kanina napagtanto ko kung sa pagbyahe ko ng aking buhay ay napatanong ko kung ako nga ba ang nagmamaneho.

o baka naman nakikiangkas lang din ako ng di ko namamalayan. baka naman hindi ko pa sinubukan na magmaneho ng aking buhay ng ako mismo ang nagmamaneho.

sa pag-angkas ko sa iba hindi ko pwede ibaling ang sisi kung ano man at saan man ako mapadpad sapagkat ako'y nakikiangkas lamang. hindi naman ako pinilit na umangkas at malaya akong bumaba.

sa pagsubok kong magmaneho ng aking buhay alam kong hindi madali. nakakakaba at nakakatakot. pero kailangan kong ako na mismo ang magmaneho ng aking buhay.

meron namang break kapag kailangang huminto.
meron namang busina upang magbigay senyales sa iba.

nais ko ng subukang bumyahe at lumusong sa kalsada ng buhay. makihalubilo sa ibang taong nagsusumikap magmaneho ng kanilang buhay.

saan pupunta? lahat naman isa lang ang pupuntahan...

Monday, January 24, 2011

to start anew...

.currently i'm here at talavera, nueva ecija. in my mother's bestfriend's house. thinking, enjoying the place, and perhaps planning. i still want to hold on to the reason(s) why i left the seminary and start anew with my life. i don't know if it is a compelled action to do after leaving behind your history. there are many things to consider, many things offered but still i am the one who will decide. am i really the one who will decide? or it still depends on the factors outside me? i cannot blame those outside me with every decision i make. they can easily blame me for the decision i make. i cannot blame others with the consequences i might face. they can easily blame me with the consequences i might have.