Tuesday, June 9, 2009

maHirAp...pEro...

J.M.J.
Mar. 21, 2009


marami ang nagtatanong kung bakit ako ay nandito pa sa labas ng seminaryo…
marami ang nagtataka kung lumabas ba ako at hindi na muling babalik pa…
ang totoo…mahirap…
mahirap ipaliwanag…
mahirap magpaliwanag…
mahirap ipa-intindi…
at lalong mahirap maintindihan…

pero kailangan ko bang magpaliwanag at ipaliwanag?
pwede kong ipaliwanag at pwede ko rin hindi ipaliwanag. hindi rin naman ako obligadong magpaliwanag sa bawat magtatanong kung anong nangyari. mahirap kasi maintindihan at maunawaan ang mga pinagdadaanan at mga dapat pagdaanan namin kung gusto talaga naming tahakin ang tinahak ni Jesus. kailangan mong mamatay upang kunin ang panibagong buhay para lalo kang maging karapat-dapat na maging kanyang tagasunod.
mahirap pero sana maintindihan nila ang aming nararanasan at pinagdadaanan. mahirap humarap muli sa iba at iharap ang aming sinapit.

pero iisa lang ang nais kung iparating sa inyo…
ako po ay magpapatuloy sa paglalakbay… kung ako man ay tumigil ito ay sa kadahilanang kailangan kong magnilay kung kaya ko pang tahakin ang daan na lubhang puno ng misteryo at pangamba..kaya ko bang lumakad muli at suungin ang hirap ng pagsunod sa kanya…
alam ko na sa muli kong paglakbay…kayong mga nakakabasa nito ay tiyak ng handang magbigay ng lakas na simulan ang aking unang paghakbang…

No comments:

Post a Comment