Wednesday, August 29, 2012

NoOng siNabi mO...


Noong sinabi mong mahal mo ako
Lahat ay biglang nagbago
Labis-labis ang naging epekto
Ikaw na ang naging aking mundo
Maraming beses kitang tinalikuran
Lumayo baka sakali ika'y makalimutan
Ang mga gawa ko'y minsan 'di ko na maunawaan
Maalis ka lang sa aking isipan
Nasabi ko "Sana'y 'di na lang kita nakilala"
Yung parang walang sa ati'y naitala
Ni alaala mo'y di na alintana
Mamuhay muli at maging malaya
Pero ano ba talagang meron ka?
Pag-ibig ba iyon o may higit pa?
Pakiwari ko'y isang kasalanan ang iwan ka
Paniwalain ang sarili na 'di kita nakilala

Noong sinabi mong mahal mo ako
Batid mo ba ang laman ng puso ko?
Tingin mo ba yun din ang nadarama ko?
O dahil alam mong hindi ako tatanggi sa'yo
Ang pagsuyo mo ay walang kapantay
Bilib ako sa'yo sa oras na sa aki'y inalay
Hindi ka sumuko at matiyagang nag-antay
Nais mo talaga na magsama tayo habangbuhay

Noong sinabi mo na mahal mo ako
Takot ang unang naramdaman ko
At hanggang ngayon ito'y hindi pa naglalaho
Alam ko nauunawaan mo ako
Ngayon alam ko na ramdam mo ang pag-ibig ko
Walang pagdududa at pagkalito
Hindi lang pag-ibig ang alay sa'yo
Kundi buhay at kaluluwa ko

Noong sinabi mong mahal mo ako
Ano pa ang mahihiling ko?
Napakaswerte ko sa'yo
Ano pang hahanapin ko?
Kaya ngayon ako naman ang hayaan mo
Gawin ang dapat na para sa'yo
Iparinig ang sagot sa tinuran mo
Oo! IKAW DIN AY MAHAL KO.

No comments:

Post a Comment