Wednesday, January 26, 2011

bYahE nG bUhay


kanina kasama ako ni tsong nakaangkas sa kanyang motor. naningil at namili.
habang kami'y bumabyahe nabanggit n'yang ako'y kanyang tuturuan magmotor.
sa paglalakbay namin, sumagi sa aking isipan na ang buhay ay parang pagmamaneho.
tayo ang nagmamaneho ng byahe ng ating buhay.

nawari ko na sa pagmamaneho...
- marami kang makakasabay sa daan
- maraming nagmamaneho ng iba't ibang klase ng sasakyan.
- may malaki, maliit, magara, luma, mabagal, mabilis, maingay at kakaragkarag. ngunit hindi importante kung anong klase ng sasakyan/katayuan mo sa buhay ang dala mo sa byahe. ang mas mahalaga ay kung sino ang nagmamaneho, ang kanyang kalooban at dignidad.
- sa pagmamaneho ng ating buhay kailangan maging alerto. hindi pedeng malingat sapagkat marami ang pedeng mangyari.
- hindi ka rin pwede mambangga ng iba kahit okay lang sayong magasgasan sapagkat kailangan isaalang-alang din ang iyong mapipinsala.
- minsan mabagal ang byahe, matrapik, maraming lubak at liko pero minsan diretso at mabilis lang ang takbo hanggang minsan nadadala tayo sa smooth na pagtakbo ng ating buhay ng di alinatana kung may biglang tumawid na magpapabalik sa ating kamalayan ukol sa pagbyahe sa ating buhay.

ngunit sa aking paglalakbay kanina napagtanto ko kung sa pagbyahe ko ng aking buhay ay napatanong ko kung ako nga ba ang nagmamaneho.

o baka naman nakikiangkas lang din ako ng di ko namamalayan. baka naman hindi ko pa sinubukan na magmaneho ng aking buhay ng ako mismo ang nagmamaneho.

sa pag-angkas ko sa iba hindi ko pwede ibaling ang sisi kung ano man at saan man ako mapadpad sapagkat ako'y nakikiangkas lamang. hindi naman ako pinilit na umangkas at malaya akong bumaba.

sa pagsubok kong magmaneho ng aking buhay alam kong hindi madali. nakakakaba at nakakatakot. pero kailangan kong ako na mismo ang magmaneho ng aking buhay.

meron namang break kapag kailangang huminto.
meron namang busina upang magbigay senyales sa iba.

nais ko ng subukang bumyahe at lumusong sa kalsada ng buhay. makihalubilo sa ibang taong nagsusumikap magmaneho ng kanilang buhay.

saan pupunta? lahat naman isa lang ang pupuntahan...

Monday, January 24, 2011

to start anew...

.currently i'm here at talavera, nueva ecija. in my mother's bestfriend's house. thinking, enjoying the place, and perhaps planning. i still want to hold on to the reason(s) why i left the seminary and start anew with my life. i don't know if it is a compelled action to do after leaving behind your history. there are many things to consider, many things offered but still i am the one who will decide. am i really the one who will decide? or it still depends on the factors outside me? i cannot blame those outside me with every decision i make. they can easily blame me for the decision i make. i cannot blame others with the consequences i might face. they can easily blame me with the consequences i might have.