Tuesday, June 28, 2011

aNg paNgaraP ko sa nGayon haBang akO'y naBuBuhaY


Isa lang naman ang pangarap ko habang ako'y nabubuhay pa, ang makakita at mabigyan ng pagkakataon na makadaupang palad ang ituturing nating mga tao na "living saint". Yun ang hinahanap ko sa henerasyong aking kinabibilangan. Ang totoo meron naman dalawang taong tinuring na "living saint" sa henerasyon ko. Ang problema nga lang ay wala pa akong pakialam sa kanila. Ang una ay si Bl. Mother Theresa. Naririnig ko na siya pero wala lang iyon para sa akin. Hindi ko masyado pinapansin. Taong 1997 siya namatay at nasa highschool na ako nung panahon na iyon. Pangalawa ay si Bl. John Paul II. Taong 2005 siya namatay at ako'y nagtatrabaho na nung panahong iyon. Ngunit ganun din, wala pa rin akong pakialam sa kanila ngunit sa taon ding ito naganap ang aking "metanoia". Oha! Malaki ang naiambag ni Bl. JP2 kung anuman ako ngayon.


Dalangin ko talaga na may makilala ulit at may maabutan na "living saint" sa henerasyong ito. Malamang madami yan hindi pa lang nagiging maingay sa mundo. Pero sana may makadaupang palad ako habang ako'y nabubuhay pa. Kahit isa lang.